“Ang kinabukasan nabuksan”

35-full-size

“Genesis” ni Annadel Andrade Oseta

            Sa taong 2066 hindi na namalayan ang likas na pagbabago ng maraming bagay. Paunti – unti ang pagubos ng oras ng mundo sa lahat ng imbensyong nilikha ng katauhan. Ang iba’t ibang imbensyon tulad ng “stratifier” isang uri ng bagay na nakakatuyo ng paligid dahil dito sa sobrang paggamit naubos na ang tubig sa mundo, naubos na ang oras upang bumalik sa dati ano na ang magagawa, ano nga ba ang maari pang baguhin?

              Araw – araw ay pareho nalamang para saakin samantalang sa iba walang katiyakan kung ano na nga ba ang nagbago. Kada – dilat ng aking mata kada – bukas ng aking bibig hindi ko na namalayan ang nangyayari, nangyayaring katapusan, ang mga katatakutang akala ko, akala nating hindi darating. Ang kawalan ng pag – asa, ang pag – wawakas ng libro, ang pahina ng ating mundo. Ngayo’y isa nalamang akong alulugod na matanda hindi nakikitaan ng kahinaan ngunit sa aking bisig at tindig ng kalamnan lumalaban parin para mabuhay, para sa kinabukasan na kailangan mabuksan muli.

alphasphere

“Ang Stratifer”                 Credits

                  Pagising ng dapit hapon makikita ko ang kahirapan ng mga tao ang pulot dulo ng katuyuang nadala, dinulot ng isang makina, isang instrumentong hindi man inakala. Ang imbensyon ng taong akala’y isang mapapakinbangan tuwing masamang kapahunan ng araw, baha, ulan at iba pa. Nagkataong hindi pala. Isa lamang ito sa mga pinakinabangan sa unang pagkakagawa nito, ngayon lamang ang mga tao nakakakita ng nakakamanghang bagay. Sa lahat ng ito, dito nagsimula ang pag-iisip na lumikha pa ng mga instrumento magpapabago sa mundo, magpapabago sa ating lupang ginagalawan. Dito inakalang makakamit ng masmaunlad at masmagandang kinabukasan. Hindi pala.

                    Sa kataunang 2066 ginawa ng agham ang lahat ng itong makakaya, ginawa ng lahat ng pinakamatalino, malikhain, at matataas na opisyal ang capacidad nilang ayusin ang maling naipasatupad nila. Hindi ito nagtagumpay. Nilisan namin ang planeta at nanirahan sa isang “space aircraft” sa pagpapasya na walang pag-asa na ang planeta, mundo na minahal tayo, inatasan sa atin ng Diyos, mundong ating pinagsilangan. Masasabi ko nga maraming nag bago, marami ang hindi na maiintindihan ng karaniwang tao ngayong taon ngunit hindi parin nawawalan ng pag-asa ang iilang tao sa ating mundo, na mababalikan natin ito at lilisanin ang kalawakan at babaliksa mundo ating kandungan.

                    Ang kinabukasang nabuksan na ito ay masasbing isang makulimlim, madilim, at nakakaawang pag-unlad ng ating pagkabuhay ngunit sa aking pagbabalik hindi sa nakaraang napakatamis ngunit sa mundong iniwanan makikita ang nakaraan nasawi sa mga iniwang bakas ng sibilisasyon. Dito mga kagamitang pinaglumaan at damit na warak. Puno at halaman kita ngunit malimit na lamang.

                     Sa aking pagwawakas ng aking maikling pagpapahay ng aking natamo sa mahabang panahon, sa aking pagkabuhay ng anim naput anim na taon masasabi ko ang pagbabago ay hindi nakakagulat, nasa daan tayo ng pagunlad, pagunlad na walang kinikilingan, pag uunlad na walang ibang maghahadlang kundi ang sariling kagustuhan upang makinabang sa lahat ng maibibigay ng kalawakan. Dito ako ay nagtatapos na sa ating kinabukasan ay nabuksan, nabuksan sa pagbabago na inakalang inaasam ngunit hindi pala.

“Ang pagbabago ay hindi katapusan ito ay lamang isang hudyot ng isang napakalaking tapak sa masmalawak ng kaisipan, masmalakaw nag pagiintindi sa ating sarili at kalawakan”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s